Aking Alaga
hatid mo'y walang kasing saya
dulot mo pa'y kakaiba
kayat pagkatabi ka, problema'y limot ko na
Mga kalmot ay balewala
pag ikaw ay nanlambing na
tunay ngang ikaw ay kaibigan
masasandalan kahit kailan...
Nung una ika'y balewala
Ngunit s bawat titig mo, ako'y nadala
Sa iyong mga mata ay may kakaiba
Kaya naman ang aking atensyon ay iyong nakuha
Sa bawat linggong dumaan
puso ko'y di malaman ang nararamdaman
At sa isip ikaw ang lagng laman
Sana ito'y iyong malaman
Sa pangarap ika'y laging kasama
Sa pagtanda gustong makapiling ka
Pero paano nga ba?; Kung tayo ay di na para sa isa't isa
Hanggang pangarap ka na lang ba talaga ?
Noong nakilala ka, Akala'y ikaw na
Sa pang habang buhay ay makakasama
Ngunit nagbago ang lahat, nung tayo ay 'di na nagkita
Ano ang dahilan bakit bigla kang nag iba?
Lumipas ang apat na taon
Ngunit ang pag-ibig ko'y para paring kahapon;
Na animo'y Bago
Na kahit mayro'ng bago ikaw parin ang hinahanap ko
Ngayong ako'y napagod, Tama na, Ayoko na
Gusto ko na magpahinga
Sa mga sakit na iyong pinadama
noong ikaw ay iniibg pa!.
Sana pala kahit bawal pa tinanggap na kita
Para ngayon, ako ang kasama mo at hindi siya
Ang sakit pala makita kang may kasamang iba
Habang ako nag iisa
Hindi na sana pinalagpas pa
Ang pagkakataon na nariyan ka
Baka siguro, ngayo'y masaya tayong dalawa
Kahit alam nating bawal pa
Hindi ko alam bakit ako'y Umaasa pa rin
Kahit alam kong Ika'y 'di na magiging akin
Alam kong masaya ka sa kanyang piling
hayaan mo, matututunan ko rin namang tanggapin.